티스토리 뷰

모든것들

Pahinga tapos Laban

마마리뷰 2018. 3. 30. 18:06
반응형

kapag pagod ka na, pahinga saglit tapos tuloy na

minsan kasi mapapagod tayo pero basta huwag susuko

lagi tandaan lahat naman ng pinaghirapan maganda kapalit

 

 

Naranasan mo na bang mapagod at sumuko sa laban? Kapag kasi kahit anong tiyaga mo nainip ka na makita ang resulta kaya parang ayaw mo na ituloy! Kaibigan, pahinga tapos laban na ulit! Kapag alam mo na kaya mong maabot ang isang bagay ay ituluy-tuloy mo lang hanggang hawak mo na! Pero minsan alam mo yon, sa sobra tiyaga at sakripisyo mo para sa isang pangarap, minsan kapag nasa iyo na hindi ka na masiyado masaya. Naramdaman mo na ba iyon? Hindi ka na sabik sa bagay na iyon, nawala na ang gana mo. Bakit kaya?

 

Kaya kahit anong pahinga tapos laban na gawin mo, pakiramdam mo ay wala na ito halaga! Minsan naiisip ko ay pride na lang iyon ng tao, sayang oras kaya para masulit pagod siguraduhin na lang na kapaki-pakinabang ang bagay na ginusto mo! Kailangan din natin magmature at move on.

Hay buhay dito sa mundo, minsan akala mo ang galing mo at alam mo na lahat. Minsan ingat din tayo sa mga desisyon natin at makinig sa mas nakatatanda basta maganda ang payo nila. At para sa kapakanan mo ang payo nila. Pahinga tapos laban lang! Wala masama isipin muna ang sarili bago iba. Tuluy-tuloy lang, kapag hindi na maganda resulta ay iwan na o kaya iba naman strategy! Go lang nang go! Tiwala ka sa sarili mo at sa Diyos! Kung ikaw ay mabuti sa paningin Nya, gagamit Siya ng iba para sa iyong mabuting kalagayan.

 

Pili ka ng gusto mo sa buhay at enjoy mo yan! Okay lang iyan, huwag ka na malungkot at kapit lang kaibigan! May bukas pa, wala namang forever eh! Ang importante ay hindi ka mapahamak.

반응형